I will wait for you

(with the Filipino version below)

That lofty mountain,
those wide fields,
that dense forest
or that deep sea
can never prevent
the repeated crossing
of our paths

Each moment
that we stare
at the brights stars
are moments when
our eyes meet.

I long to lay my eyes
on your gentle face
loving smile
eyes that speak
which seem to invite
that we face the challenging morrow
together.

I wish to hold
your hand
which everyday gives fulfillment
to the demands of a thousand and one
voices that mourn.

My heart beats faster
while I await your coming.
I will receive your advent
while greeting the sun
that gives new hope.

And at night
at night
in the midst of our passion
we shall again speak
and renew
our vows
of love for the people
and for one another.

I will wait for you, beloved.

(Filipino version)

Hihintayin kita

Hindi makapamamagitan
ang matayog na bundok,
ang malawak na parang,
ang masukal na gubat
o malalim na dagat
sa muli’t muling pagsasalubong
ng ating landas.

Ang bawat sandali
na tayo ay nakatitig
sa maningning na mga bituin
ay mga sandali na nagtatagpo
ang ating mga paningin.

Nananabik ako na muling masilayan
ang iyong maamong mukha
malambing na ngiti
nangungusap na mga mata
na waring nanghihikayat
na sabay nating harapin
ang mapanghamong bukas.

Nais kong muling mahawakan
ang iyong mga palad
na araw-araw na nagbibigay-katuparan
sa hinaing ng sanlibo’t isang
tinig na tumatangis.

Bumibilis ang pintig ng aking puso
habang inaantabayanan ang iyong pagsapit.
Sasalubungin ko ang iyong pagdating
kasabay ng pagbati sa araw
na nagsasabog ng panibagong pag-asa.

At sa gabi
sa gabi
sa gitna ng ating pag-uulayaw
ay muling sasambitin
at pagtitibayin
ang mga panata
ng pag-ibig sa bayan
at sa isa’t isa.

Hihintayin kita, sinta.

Photo credits: Owner