How do you bury eternity?

(Translated from the original Filipino)

A tattered yesterday
and a tomorrow in pieces.
Memories of things
that never were
and dreams
that until the end
shall never come to pass.

The departed return.
Haunted by those
thought long gone.
A single faded photograph
brings a smile to the lips.
One is reminded that
sometimes,
eternity never ends.

A thousand and one faces
though I search for none other.
A thousand and one names
but his is the only one I utter.
A thousand and one graces
yet he is the one I wish for.
A thousand and one prayers,
except there is only one I plead for.

How to bury in forgetfulness
all these visions that return?
Where to obtain the strength
to arise once more?
What power
needs to be possessed
to stave off the ghost
that one no longer wishes
to embrace once more

even if it continues
to bring a smile to the lips
and glitter to the eyes?

(Filipino original)

Paano lilimutin ang magpakailanman?

Gula-gulanit na kahapon
at pira-pirasong bukas.
Mga ala-alang
kailanma’y hindi naging
at mga pangarap
na magpahanggang sa huli
ay hindi matutupad.

Binabalikan ng mga lumisan.
Minumulto ng mga
akala ay pumanaw na.
Pinangingiti ng natatanging
kupas na larawan.
Pinaaalalahanan na minsan,
hindi natatapos
ang magpakailanman.

Sanlibo’t isang mukha
kahit ang hanap ay walang iba.
Sanlibo’t isang pangalan
subalit ang sambit ay kanya.
Sanlibo’t isang biyaya
ngunit ang hiling ay siya.
Sanlinbo’t isang dalangin,
ang tanging samo ay iisa.

Paano ibabaon sa limot
ang mga ala-alang nagbabalik?
Saan kukuha ng lakas
upang bumangon muli?
Anong kapangyarihan
ang kailangang maangkin
nang mapawi ang kaluluwa
na hindi na nais
yakaping muli

kahit patuloy itong nagdudulot
ng ngiti sa mga labi
at ningning sa mga mata?

Photo credits: Owner