If ever I cannot arrive

(This is the English translation. This sounded so much better in my native Filipino, yet I have tried to translate it the best I could. Sadly, the English version sounds a little off)

If ever I cannot arrive
at our rendezvous where I may
embrace you once more and build dreams
I pray it does not cross your mind
that I have turned my back on the memories
of how we took shelter under the the light shower
moments of joy in the midst of sadness
clasping hands even when apart.

Never can it be erased from memory
how in the middle of intense contradictions
we learned to love and stand
every heartbeat offered to each other and the people
laden with grief in the midst of darkness
Tormented by the cruel

Our promise of love
is also a vow to never forget
that we were born of this land
and needed it is that we tread
the correct path of serving, even at the cost of our lives,
that we may reach the longed-for victory.

But should I never arrive
at our rendezvous, beloved
there can be only one reason
why I cannot come to where I wish to go
for surely the dark of night already shrouds
the cold corpse, that has not even clothes.

Yet while you grieve for me
I wish that you utter repeatedly
the words of our vow
that you will carry my fallen weapon
wipe away the tears of grief and sorrow
kindle the hatred against the enemy
end the suffering of our poor people
And let sun rise with a smile.

I love you deeply, dearly beloved
remember this always
together we shall take shelter under the rain
even though I may never arrive at our rendezvous.

(Filipino original)

Kung sakaling ako’y hindi makarating

Kung sakaling ako ay hindi makarating
sa ating tagpuan upang ikaw ay muling
yakaping mahigpit at bumuo ng pangarap
nawa ay ‘di sumagi sa iyong hinagap
na ako’y tumalikod sa ala-ala ng kahapon
ng ating pagsilong sa ilalim ng ambon
mga sandali ng ligaya sa gitna ng lumbay
kahit magkalayo’y magkahawak-kamay.

Hindi na mawawaglit sa ala-ala kailanman
na sa gitna ng matinding salungatan
tayo ay natutong umibig at manindigan
pintig ng puso’y handog sa isa’t isa at sa bayan
na sakbibi ay hinagpis sa gitna ng karimlan
dahil sa pambubusabos ng mga lapastangan.

Ang ating sumpa ng pag-iibigan
ay isa ring panatang hindi kalilimutan
na tayo ay iniluwal ng lupang ito
kaya’t kinakailangang tahakin ang wasto
na landas ng pag-aalay, kapalit man ay buhay,
upang marating ang mithing tagumpay.

Subalit sakaling ako ay hindi na
makararating sa ating tagpuan, sinta,
iisa lamang ang maaaring dahilan
kung ako’y hindi sasapit sa paroroonan
ang dilim ng gabi’y tiyak nang bumabalot
sa bangkay na malamig na wala ni saplot.

Sa gitna ng iyong pangungulila sa akin
nawa ay paulit-ulit mo ring sambitin
ang mga kataga ng ating sumpaan
na sandatang nabitawan ay iyong tatanganan
palisin ang luha ng pighati at lumbay
pagningasin ang suklam sa mga kaaway
wakasan ang paghihirap ng bayang sawi
pagdaka’y sisilay ang araw na may ngiti.

Lubos kitang iniibig, aking sinta
ikintal ito sa iyong ala-ala
magkatuwang pa ring tayo’y sisilong sa ilalim ng ulan
ako ma’y hindi na makararating sa ating tagpuan.

The photo is of a painting done by a Filipino political prisoner