(This poem was written originally in Filipino. All mistakes in translation are mine)
In a world
of strong winds
that fells the stoutest tree
that crumbles the sturdiest column
of raging waters and angry waves
that sweep away homes
that drown life and spit out death
of confusing clashes of positions
that are by turns exhausting and invigorating
of a bloody war necessary
so that no more tempests may again arise.
In this world of contradictions
you are the calm of my storm.
(Filipino)
Ang payapa ng unos
Sa daigdig
ng malalakas na hangin
na bumubuwal sa pinakamatatag na puno
na nagpapaguho sa pinakamatibay na haligi
ng rumaragasang tubig at nagngangalit na alon
na umaanod ng mga tahanan
na lumulunod ng buhay at lumuluwa ng bangkay
ng nakatotoreteng salungatan ng mga paninindigan
na halinhinang nakakahapo at nakagagaan
ng madugong digmaan na kinakailangan
upang wala nang bagyong muli pang daraan.
Sa daigdig na ito ng mga tunggalian
ikaw ang payapa ng aking unos.
Photo credits: Owner