(with Filipino version)
Don’t ask me
why the sun rises every morning
and the wind floats to heaven.
Don’t ask me
why the birds reside in the sky
and the earth gives birth to life.
Don’t ask me
why the leaves turn green
and the river joins the sea.
Don’t ask me
why the fist is clenched in defiance
and the bullet shatters the silence.
I cannot answer a question
nor utter a word
while I drown in your eyes.
So do not ask me.
Instead, place your hand on my chest
and you will understand
why the waves
wish to kiss the shore.
Filipino version:
Huwag mo akong tanungin
Huwag mo akong tanungin
kung bakit ang araw ay sumisikat tuwing umaga
at ang hangin ay pumapailanlang sa langit.
Huwag mo akong usisain
kung bakit ang mga ibon ay nananahan sa himpapawid
at ang lupa ay nagluluwal ng buhay.
Huwag mo sa akin siyasatin
kung bakit ang mga dahon ay nagiging luntian
at ang ilog ay sumasanib sa dagat.
Huwag mo sa akin alamin
kung bakit ang kamao ay nakakuyom sa galit
at ang punglo ay pumupunit sa katahimikan.
Wala akong masasagot na mga tanong
ni walang mauusal na mga pantig
kung ako ay nalulunod sa iyong mga mata.
Kaya’t huwag mo akong tanungin.
Bagkus, ipatong ang iyong kamay sa aking dibdib
at iyong mauunawaan
kung bakit nais ng mga alon
na humalik sa dalampasigan.
Photo credit: Owner