For you,
You are wrong. What short time we had together with the masses whom we serve can never be erased from my mind. Your name has been etched on my heart with the dagger what we shall bury in the enemy’s breast.
I wish you to know that no distance can bar what I feel for you. Though we may not be together everyday, know that both our steps are going the same way. It is your face I wish to see each morning when I awake. At night, you are the one I want to cuddle with on the hammock as we stare at the stars in the sky.
You wish for no complications, you said. But do not view me as a complication in this world already full of contradictions. Instead, treat me as your comrade in this journey.
Our principles make our understanding each other easier. Though I cannot promise to never make you cry, I do vow that I will match each drop of your tears with my efforts to correct what needs correcting. I hope you open your self up to the risk, with me.
Because you are mistaken. I did not meet you only to forget you in the end. I will not embrace you only to leave you in the end.
I do love you. I hope you can love me, too.
From me
(Filipino version)
Para sa iyo, kasama
Para sa iyo,
Nagkakamali ka. Hindi na mawawaglit sa aking isipan ang maikling panahon ng ating pagsasama kapiling ang mamamayang kapwa natin pinagsisilbihan. Nakaukit na sa aking puso ang iyong pangalan gamit ang balaraw na siya ring sabay nating itatarak sa dibdib ng kaaway.
Nais kong malaman mong walang distansyang makahahadlang sa aking pagtingin sa iyo. Hindi man tayo magiging magkasama sa bawat araw, ipinababatid ko sa iyo na iisa pa rin ang patutunguhan ng ating mga hakbang. Ang iyong mukha ang nais kong masilayan sa bawat umaga ng aking paggising. Sa gabi, ikaw ang aking nais kaulayaw sa duyan habang sabay nating tinatanaw ang mga bituin sa langit.
Hindi mo nais ng mga kumplikasyon, banggit mo. Subalit huwag mo akong ituring na isang kumplikasyon sa daigdig na punong-puno na ng mga tunggalian. Bagkus, gawin mo akong kaagapay sa paglalakbay na ito.
Pinadadali ng ating paninindigan ang pagkakaunawaan. Hindi ko man kayang isumpa na ika’y hindi paluluhain, ipinapangako ko naman sa iyo na bawat patak ng luha mo ay papantayan ko ng pagsisikap na maiwasto ang mga nararapat iwasto. Sana ay maging bukas ka rin na makipagsapalaran, kasama ako.
Pagkat nagkakamali ka. Hindi kita nakilala upang sa huli ay kalimutan. Hindi kita yayakapin upang sa huli ay iwan.
Iniibig kita. Nawa ay mahalin mo rin ako.
Mula sa akin
Photo credit: Owner